Tuesday, June 3, 2008

need a quick fix

It's June na! My enrollment is in a few days and shortly after that pasukan na. Hello s.y. 2008-2009!

So here's a list of little things running through my mind right now, mostly stuff to be excited about: (bawal na masyado nega stuff dito, iwan na yun sa previous post hehe)


1. haircut. i need a hair fix quick! dapat before enrollment ay makapagpagupit na ako kasi baka di ako payagan mag-enroll kasi naman ang haba ng buhok ko. pinag-iisipan ko pa kung san ko ipagkakatiwala ang aking buhok hahaha any suggestions or recommendations kung saang salon and/or sinong stylist? hehe hmmm anong cut kaya? gusto ko iba naman...

2. new look. new shoes. new uniform. for those who don't know, sa ust ay required mag-uniform kaming mga students. at typical sa mga school uniforms ay naka black leather shoes. syempre it's boring to be wearing the same attire everyday kaya para di boring dapat bonggang astig ang shoes and accesorries hahahaha hmmm ano naman kaya magandang style ng leather shoes? bawal na zip up boots at round toe flats with lace, kasi meron pa ako nun.

im also thinking kung bibili ba ako ulit bago uniform? kakabili ko lang ng bago last year at baka sayang naman kung bibili ulit ako this year tapos never na ulit magagamit. but then again gusto ko crisp clean n white ang uniform ko hehehe ayaw ko naman mag mukhang madungis.

3. friends. im very excited to see my friends at school. na-miss ko rin pala sila hahaha sobra ako nagkulong sa bahay over the summer (accdg to my starbucks journal, mula nung matapos holy week ay 12 times pa lang ako nakalabas ng bahay!) at di ko masyado nakita friends ko. at di rin ako masyado nakikipag-communicate sa kanila. minsan ko lang sila itxt. di naman uso sakin telebabad. pag-online naman ako ay most of the time ako si odin hood. haaay araw gabi na naman kami magkakasama niyan.... tumangkad na kaya si j*** at m*** hahahaha

4. gimik, food trip at inuman! noong 1st at 2nd yr kami, madalas kami mag mall ng mga friends ko. madalas kami mag mall tour, halos lahat ng malls dinadayo namin, from ust all the way to quezon city, makati, pasig.... hahahaha at least once a week ay nanonood kami ng movie. tapos last year naman almost every night after class kami may food trip at nag-iinuman ng mga friends ko. basta masaya ang trip namin. kaya naiisip ko lang.... sana ganun pa rin this year! awww

another thing about sa inuman.... oo masaya ang bonding na halos gabi gabi kami nag-iinuman, average 4 times a week, pero syempre gusto ko rin sana mabawasan ang pag-inom. syempre concerned din naman ako sa health ko hahaha at kelangan ko rin mag siryoso sa studies di ba. pero sana makapag-enjoy pa rin.

5. clean room. my room really needs a fix! i need a space na very conducive for studying and sleeping. sobrang cluttered at disorganized ng room ko ngayon. haaay not sure where to begin cleaning up... sobrang dami school papers, dami kalat, cluttered ang floor ng gamit....

my kuya has moved out of the house pero a lot of his stuff are still in his room. he told me that next time he comes home he'll take his stuff and then i can take his room na. yung room niya is the attic, yung buong attic. it's like 6 times bigger than my small bedroom. pero di pa ako makapagdecide if i'll take the attic or stay in my old small bedroom. if i move in the attic, mas marami ako space para sa mga stuff ko. and mas marami ako magagawa sa bigger space, i could play with more designing possibilities with a big space compared to a small room. kaya lang and down side ay kung 6 times ang laki ng space e malamang 6 times din ang laki ng kelangan ko linisin! as it is i have a really hard time keeping a 2.4 m x 3.0 m small room clean. so pano ko pa kaya mapapanatiling malinis ang attic na sobra laki? wala naman kami maid na tagalinis e... haaay


syempre last year na, graduating na kaya dapat lubusin na. kaya pagbigyan na ang mga kababawan. haay

16 comments:

MakMak said...

Take the attic. =)

Just try keeping it uncluttered, para nde ka masyado maraming linisin. Walis-walis lang oks at konting punas pwede na.

And hehee, new things every new year at school. Ganun ako dati. Dun lang ako naeexcite. Lol.

odin hood said...

@mak hahaha for me eto talaga ang new year, tuwing june hindi january.

another down side sa attic kasi e walang door, as soon as pag-akyat mo ng stairs yun na yun, anybody could just walk in let's say while im doing the "deed" hahaha unlike sa bedroom ko na may door na pwede i-lock. may privacy behind the closed door hehe

blackdarkheart said...

kaya pala ayaw mo sa attic ah. sabi na nga ba may hidden desire kung bakit gusto mong magstay behind locked doors! LOL! naramdaman ko na na yan ang hidden dahilan mo(yung comment mo sa taas) kaya ayaw mong umalis ng room. ako nga di pa nakapaglilinis ng kwarto. mukha na ngang washing machine sa sobrang dami ng nakabalandrang damet eh. di ko sure kong anu dun ang mga gamit na.LOLwahehe

Dabo said...

hay i miss schooling.. nakakatuwa naman ang post na ito.. di halatang excited.. hehehe

Negi said...

well you could try bench fix para sa buhok mo. specialty nila ang hair for guys. hehe. at astig pa. kaso sa price.. hmm. ok lang rin.

you should take the attic!!
a big space is needed for the design process. mas maganda rin kung lagi mong lilinisin. keep it a habit and you'll surely won't get disappointed.

unless you got caight doing the "deed"

hehe

Poipagong (toiletots) said...

haha. Ang cute. School boy. Darn I miss school. hehe.

1. Haircut. Try Bench fix in Rob gale. Look for Del, he's my stylist. hehe.

2. New Look. Your lucky UST has one of the most fashionable uniforms. Di jologs. hehe. Style ng leather shoes? ha? me style pa ang leather shoes? pano? ung mala boyoyong or ma elf na me bell sa dulo?

3. Friends. Again, darn I miss school. College specially.

4. Gimik. Again, I miss school, but then again, working enables me to spend much on whatever. hehe

5. Room. Get the attic. Design it according to your own taste. you may even design in in such a way you'd have minimal effort in cleaning. Darn, I'd get the attic in a heartbeat. have always wanted an attic for a room. Mainit nga lang madalas.

. said...

Sana mag share ka rin sa amin ng buhay school mo. Pusta ko pare, maraming maiingit sayo. Lol.

1. Partial ako sa semikal. Sa kanto lang ako nagpapagupit ng buhok eh. Hehe.

2. Nung nasa UST ako, may slit ang mga black slacks ko. Paano kasi, ayaw kong bumili ng bagong pantalon. Kahit yung ex-gf ko asar na asar sa akin. Haha.

3. Friends: Which reminds me, kelangan ko bisitahin ang isa kong tropa sa Loyola Memorial Haay.

4. Pag matanda ka na kagaya namin, ang masarap sa gimik, sarili mo nang pera. Haha.

5. Room: I'd always prefer the smaller room. Ewan ko ba, mas homey sa akin ang maliliit na enclosed spaces. Unless of course, trip mo magpatulog ng mga tropa sa bahay mo, kailangan mo talaga ng malaking room.

Poipagong (toiletots) said...

4. "Pag matanda ka na gaya namin"

-------> ayos ka talaga kuya joms.

Anino said...

HUling taon mo na? Saliahan mo ang lahat ng clubs at organisasyon!

Pati cheering salihan mo!

odin hood said...

@nathan hahahaha isang malaking factor talaga yun... at nasanay na rin kasi ako halos hubad matulog.... eh pano pag may gumigising sakin... at kung may pinto din kasi kahit anong lakas nila kumatok di nila ako magigising kung ayaw ko pa bumangon hehehehe


@dabo, hehe uu excited na ako, di na katulad nung naunang post na sobra kabado


@negi, ung 2 malapit kasi na bench fix sa neighborhood ay sablay, lalo na ung isa! i like going to tony & jackey kaya lang wala na dun ung stylist ko at mahal kasi, 270... kaya hanap ako ng iba

odin hood said...

@toilet hahaha school boy.... uu gusto ko rin naman ang aking uniform, i dont even mind wearing it kahit sa mga gimik.... hahaha ayaw ko naman ng mala-boyoyong sa haba na sapatos...


@kuya joms haha napansin ko nga nung previous post ko, marami nagsasabi na-miss na raw nila school kaya dapat i-enjoy ko school hahaha


@anino solve na ako sa pagsali ng mga orgs last year, ngayong 5th year na concentrate na lang ako sa studies, at baka may konting work.... at usually sa college namin pag 5th year na halos di na talaga nag-oorg eh

Dabo said...

natural.. i-enjoy.. kasi malapit ka na rin maging tax payer eh..

he hehe..

... said...

Haynaku, bumili ka ng bagong bag. Yung metallic. It's the only thing that matters the most. Lol

odin hood said...

@dabo, uu nga! lulubusin ko na ang dependence sa parents hahahaha bago maging empleyado at taxpayer hahaha


@mel, hmmmm tama kelangan ko rin ng bagong bag....im no so sure about metallic though

Yoshke said...

wahaha, may uniform kayo, korni. hehe.

have you tried giving yourself a haircut? I used to go to salons but I got fed up with the stylist's not-listening so two years ago, I decided to cut my hair myself. Tas ayun, ako na gumugupit sa sarili ko.

MOVE TO THE ATTIC!

odin hood said...

hahahaha uu i cut my own hair!!! pero i still need to go to a stylist from time to time kasi di ko ma-cut yung hair sa likod.!!!

iniisip ko nga kung saan ako makakabili ng trimming scissors...