Thursday, June 12, 2008

looking back just before moving on to the next

Ngayon ang first day of class for s.y. 2008-2009! Actually I have a class scheduled 7am this morning but i really doubt na darating yung prof kaya di ako pumasok. Next class ko is 4:30 pm pa! Grabe naman kung pumasok ako ng 7am tapos walang prof... eh di maghihintay ako ng suuuppeer long kaya pasok na lang ako sa next class... err.... scratch that! My friend just texted... we decided na wag na lang pumasok at all... mag movie na lang hahahaha

-----

Kagabi naman ay galing ako sa isang funeral. The father of an old classmate passed away. I could only imagine kung anu nararamdaman ng classmate ko. Naiisip ko pa lang masakit na, what more pa kaya... Kaya kasama ng iba pa namin classmates ay bumisita kami sa funeral at nakiramay. Sad talaga, lapit pa naman ng father's day!

Once or twice ko lang ata na-meet briefly yung dad niya in person, Di naman kami sobra close nung classmate ko na yun simply because we belonged to different cliques. Pero sobrang ok naman kami at syempre marami kami shared memories for 4 years of being classmates nung high school. Block section kasi kami noong high school kaya medyo special ung bond.

Sobra dami tao dun sa funeral kaya di masyado peaceful at solemn yung atmosphere. At alam naman natin na kadalasan di naiiwasang nagiging reunion kapag may funeral. At ganun nga ang nangyari. Karamihan sa mga classmates ko nung high school ay di ko pa nakikita mula nung nag-graduate kami. 4 years na halos walang balita sa isa't-isa!

Bago pumunta sa funeral home, naisip namin na sa may starbucks katipunan na lang muna kami magkita-kita ng mga old classmates ko. Tapos carpool na lang kami papunta dun sa funeral home sa may C5. I was there early at may time pa ako maglakad-lakad sa paligid. Doon sa may katipunan kasi yung school ko kung san ako nag high school (...miriam wahahaha!!!) kaya natural lang na madalas naming tambayan ang katipunan. Kaya ayun naglakad-lakad ako dun, nagrereminisce at nag-sight-seeing hehe daming cute!

Eventually nagpunta na rin ako sa meeting place. Nung una pa nga di ko sila agad nakita. Akala ko wala pa sila kaya nakaupo ako dun mag-isa sa starbucks. Mga after 3 minutes akong nag-iisa when I heard a familiar voice na dumadaldal. I knew boses un ng classmate ko, so hinanap ko ang boses at andun lang pala siya sa kabilang side ng room! Tapos nung nakita ko siya akala kung nung una may kasama siya ibang mga friends niya, nung lumapit na ako dun ko lang narecognize na old classmates ko rin pala sila! hahaha marami sa kanila kasi nag-iba ang itsura! May sobrang pumayat, may tumaba, may tumangkad, may himalang naging gwapo hahaha

Na-miss ko rin pala sila! Halos lahat sila graduate na ng college at kung san san na bigating company nagtatrabaho. Nakakatuwa naman kasi na parang kahapon lang kami huli nagkita. Sobrang daldal nila! Saya ng feeling, sobra sarap! Nagbalik ang joy and happiness ng high school! I think that's just what I need to feel to get through my last year in college.

4 comments:

. said...

Dun ka siguro nag aral sa OLPH ba yun. Hehehe.

odin hood said...

miriam nga eh! hahahaha

bigla ko naman naalala ung grade school ko, sa may teachers village. exclusive boys school din, pero nakakapagtaka kasi noon may apat na babaeng students hehe wala lang naalala ko lang bigla. hahaha hanggang ngayon pinagtataka ko pa rin kung bkit ganun! hehe

wanderingcommuter said...

wow, apelido ba ng classmate mo fernandez? joke lang. ang sad naman nun... condolence!

hahaha. ang saya naman ng schedule mo! yipee!

Yoshke said...

Claret grade school.
Ateneo high school.
Hehe.