Friday, June 6, 2008

easy breezy


Nakapag-enroll na rin ako. It was a breeze! The best enrollment ever hahaha parang napadaan lang! walang kapila-pila sobra bilis! Pa-assess tapos bayad agad tapos kuha ng id sticker then voila! 5th year na ako! Walang kapawis-pawis.

Got a haircut na rin syempre. Medyo kainis lang kasi the stylist cut it too short, tapos sobrang dami ng nilagay na hair wax! As in feeling ko im a walking scented candle stick na pwede na sindihan. Nakakailang kasi nasanay ako na medyo mahaba buhok tapos biglang naging super short. Ang pogi ng gupit, ang linis masyado. I miss my shaggy apple-ish hair cut hahaha anyways it'll grow back.

Nung enrollment syempre nakita ko na rin ung mga friends ko! Na-miss ko sila sobra. After ng mabilis na enrollment ay syempre expected na may gimik. Akalain mong may humirit ng TAGAYTAY! hahahaha game naman ang ilan. So we went to Tagaytay that afternoon. There were 6 of us in two vehicles. Sobrang biglaan lang, we were still in our school uniforms pa nga eh hahahaha.

Saya ng trip hahaha sobra traffic pala sa SLEX. hahaha actually we already expected that there'd be heavy traffic sa south but we just put the thought aside. Basta we wanna go to Tagaytay and have fun! So dahil traffic nga eh naisip ng isa samin to take the southwoods exit instead of santa rosa, long cut kami para iwas traffic. But since di naman namin kabisado daan, nagkanda ligaw ligaw pa kami hehe. Ang gulo-gulo nga nila eh, ako natulog lang almost the entire trip hahaha magigising lang ako pag nagsigawan sila kasi dahil sa katangahan ng isa. (di kasi ako nakatulog the night before kaya gulay ako sa byahe)

Eventually nakarating na rin kami ng Tagaytay at around 7pm! Madilim na kaya di rin kami makapag-sight seeing hehe at di naman masyado malamig. Pumunta kami Cafe Lupe and had a few cocktails and sisig. Cocktails para naman daw maiba hehe. Tapos after an hour and a half ay umuwi na rin kami hahaha ganun lang. We had to go home din agad kasi lahat kami ay takas lang, walang paalam sa mga magulang hahaha

Sana ganito rin ang 5th year ko, walang kapawis-pawis, puro fun lang. hehehe


photo credit:
Easy Breezy by *AnnouncerGuy on deviantART

10 comments:

Dabo said...

hay.. i miss tagaytay.. doon kami nag-meeting during our thesis din.. lol

naka uniform sa uste pag enrollment? tama ba?

odin hood said...

uu naka uniform pag enrollment hehe astig na group meeting un ah sa tagaytay pa haha

blackdarkheart said...

once pa lang ako pumunta ng tagaytay at wala kaming ginawa ng friend mo maghapon kundi magkodakan sa loob ng sonyas garden. umabot pa nga kame sa batangas eh kasi ligaw na..hehehe
thesis year mo na pala. masaya yan lalot di ikaw ang leader!! hehe

odin hood said...

wala kami cam kasi nga biglaan lng at madilim kaya di kami nakapagpicturan


individual ang thesis namin! so technically ako ang leader wahaha

. said...

Buti pa kayo. Hehe. Nung time ko sa USTe hanggang Cloud Nine/Kelly Heights Antipolo lang kami. Pero huwag ka, pamorningan talaga kami nun!

odin hood said...

hahaha bitin nga lang sandali lang kasi



i just notice na kamukha ng uniform ko nung high school ung nasa pic, blue polo at beige pants

rik32miles said...

good gurl ako noong college...sa university belt lang aketch pasyal after enrollment..malayo na yung megamell...sabay kain ng jollibee..hahahah purita sanchez akez noon!tse!

Yoshke said...

i was in Tagaytay last Thursday. It's just 30 minutes away from my house in Batangas.

Pedro Penduko said...

hmmm... nakaka-miss din ang kabataan. i was so carefree back then... NOT!

hehehe

odin hood said...

@rik LOL


@Yoshke, next time punta ako tagaytay meet tayo hahahaha


@pedro penduko, x-links tayo hehe