Tuesday, April 22, 2008

galing sa musa

tila sa kalaliman ng aking pagtulog ay may dumating.

tulog. alas singko ng umaga ng ako'y nakatulog. dalawang oras makalipas ay bigla ako namulat sa aking pagkakatulog. alam kong karaniwan sa karamihan ang sa ganitong oras ay magising ngunit hindi para sa akin na sa nakaraang anim na buwan ay kinasanayan nang matulog hanggang alas dose ng tanghali.

gising. mula sa aking paninimbing ay bigla akong nagising. walang ingay o kamay, tanging katahimikan ng umaga ang sakin ay gumising. walang bakas ng pagkaantok o pagka-alimpungat, basta ako ay nagising.

hubad. liban sa suot na puting pang-ibaba ay natulog akong hubad. sa biglaang paggising aking hinubad ang puting pang-ibaba. tumambad sa mga mata kong gising ang aking hinubarang katawan. ako ay hubad.

guhit. tinitignan ko ang aking katawang hubad, ang kutis na kayumanggi, ang bawat kurba, ang bawat butas, ang paglubog at pag-umbok, bawat malambot at matigas na masel, bawat hibla, at bawat guhit. nakaramdam ako ng matinding pagnanasang gumuhit. aking iginuhit ang sariling anyo gamit ang papel at monggol na dinampot mula sa sahig.

tila sa aking pagtulog ay may dumating, nanggising at nagtulak sa aking mga hubad na kamay upang gumuhit.

ang guhit ay nagsimula sa mga daliri ng kaliwang paang itinaas sa kanang tuhod. patuloy ang guhit sa paa pababa sa binting mabuhok, sa tuhod, sa makinis na hita, sa kanang tuhod na bumubuhat sa paang mabigat, sa kanang hita, sa kanang binti, at sa kung anong nasa gitna na nakikiliti sa bawat pagdaan ng guhit.

nakakakiliti. nakakabuhay. sa pagkakiliti at pagkabuhay ng aking ari ang siya ring pagkakiliti ng imahinasyon at pagkabuhay ng diwa. ang guhit ay nagpatuloy sa madona at supling, sa kung anu-anong nakasabit sa dingding, at sa mga hubad sa mga magasin. ang guhit ay nagpatuloy sa udyok ng bagong gising na libog.

tila sa aking pagtulog ay may dumating, nangiliti at nanggising ng kalibugang nahihimbing.

* * *

ang larawan sa itaas ay isa sa mga bunga ng kalibugan ng araw na yun. ito ay hango sa larawan ng isang lalaki sa isang magasin. ito ay aking iginuhit gamit ang lapis at bahagyang inedit sa photoshop. ang likhang ito ay aking tatawaging "mukha sa magasin."

todo pilit din ako nagtagalog dito dahil kasi bukod sa pagguhit ay ginanahan din ako magbasa ng araw na yun. ang aklat na nadampot ko ay puno ng mga maiikling sanaysay sa wikang filipino.

17 comments:

blackdarkheart said...

alam ko na siguro kung panu ka nakatulog ulet! LOL! wahahah.

MakMak said...

Hmmm... Galing pala sa magasin ang iginuhit mong larawan. Kaya pala mukhang modelo/artista. Ehehe ^^

Galing. Padrawing! Lol.

BTW, binasa ko din ang post mo (kasi baka isipin mo tiningnan ko lang yung imahe).

. said...

Gusto ko ang iyong sanaysay. Hehe.

odin hood said...

@natnat, LOL! nakahubad hehe

@makmak, salamat! sige i-drawing kita ng nude hehehe

@kuya joms, thanks! buti naman nagustuhan mo yung sanaysay, ang hirap pala sumulat sa filipino!

MINK said...

nice ahhh.. minsan pag tagalog ang lengwahe na gamit mas naipapahiwatig ang nilalaman ng puso... pwede na rin yung taglish siguro. hehe

tsaka galeng ng drawing...

;)

MakMak said...

Wah! Sabi ko "padrawing" nde "drawing mo ko"... Ehehehe.

Have a great weekend.

Dabo said...

galing naman magdrowing...huwaw talaga

---

by the way, walang pad kasama ang anti stress kit eh, free kiss lang..sa noo.. pero depende yun sa cuteness level.

Anonymous said...

naramdaman ko yung pagdikit ng katawan sa lapis... sexy nga pakiramdam nun...

lalu na kung medyo pawisan ng kaunti!

nice artwork!

odin hood said...

@mink, hehe tnx! mas madali sana kung taglish pero pinilit ko talaga purong tagalog para challenge na rin hehe

@makmak, hahaha so sino gusto mo ipadrawing ng nude? hehehe have a nice weekend din

@dabo, salamat! nag-cut na ako sa lips pababa, pangit na kasi dun hehe at ung ilong parang mali.

eh pano yan? di naman ako cute... gwapo lang bwahahahahaha joke lang!

@lukayo, haha weird ng feeling na i-drawing ang sarili, nakakakiliti, nakakatuwa. weird pero masarap hahaha

odin hood said...

tnx hehe

Dabo said...

nakablock ang cbox sa office.. daan lang. cheers! hay sarap ng buhay bakasyon ninyo..

mikes said...

wafu ng drawing.

ganda ng kanta..

perpek :p

odin hood said...

@dabo salamat sa pagdaan :)


@mikes, ahaha wow perpek! tnx!

wanderingcommuter said...

may kakilala akong kasing husay mo sa shading. ang kaibahan lang color blind siya...

ang graphic ng talinhaga at pili ng mga salita mo... mahusay!!!

hindi ako maniniwalang pilit lang ang pagfilipino mo...ang husay talaga

odin hood said...

salamat!

marunong naman ako magfilipino, pero mas sanay at mas comfortable lang talaga ako magsulat sa english or taglish. kasi sa school naman palagi english magsulat.

naging mas madali at mabilis sana kung taglish or english ginawa pero naisip ko naman mag konting effort para mas mapaganda post ko

PrincheCHA Fiona said...

magaling, magaling, magaling! :)

Nice post. I like it!

odin hood said...

salamat po mahal na princhecha! :)