Wednesday, April 2, 2008

1st monthsarry

Today ang first monthsarry namin ng bf ko. hehehe Not really a big deal. Pero di ko rin naman ito completely binaliwala. Naisip ko naman siya i-text pagmulat ng aking mga mata kaninang umaga. Simula ngayon itatago natin siya sa alias na "bad wolf", pero di naman kasi malaki ang bad wolf niya kaya di natin siya tatawagin na "big" bad wolf ahihihi. kaya "bad wolf" lang.

red riding odin hood: Gud mawning! Alam mo ba kung anung araw ngayon?


bad wolf: April 1, april fools day. y?


Ouch! hahaha tila napahiya lang ako. Kaya naging ganito na lang ang bawi ko...

red riding odin hood: hahaha mag-ingat ka sa pranks ha. Mwah!

Dapat talagang mag-ingat ang bad wolf! Dahil si red riding odin hood ay di madaling makalimot. Ang mga maliliit na pagkakamali tulad nito ay kaya ko palampasin at ipagsa-walang kibo. Ngunit di basta basta nalilimutan. Darating na lang ang araw na ako ay mapupuno at maglalabas ng sama ng loob.

Kaya ipagpatuloy mo lang bad wolf ang pag-inom mo ng enervon prime sa umaga kasi talagang makakalimutin ka. Try mo na rin memo plus gold!

10 comments:

. said...

Apat na taon na kami ng buddy ko pero hanggang ngayon ay nagkakatampuhan pa rin kami kasi ang alam niya eh may 21 ang anniv namin samantalang tandang tanda ko na april 21 kami una nagkita.

Ok lang yan.

odin hood said...

hahaha ako kasi nakadokumento sa starbucks journal ko lahat na mga ginagawa ko, san ako nagpunta, saan ako kumain, minsan kung ano kinain ko, etc. kaya kung magkatalo sa date meron ako ebidensya hahaha

Anonymous said...

anak nang. ang bad bad niya naman!

Turismoboi said...

sweet pa rin for me hhehe

Yas Jayson said...

uhmmmm...ahehehe boyfriend? tsktsk...pwede na rin.

*btw, salamat po sa pagdaan kuya...

maligayang pag-boblog!



[yas]

odin hood said...

baka naman isa lamang april fools joke ang ginawa niyang pagkalimot sa monthsarry namin hahaha ang sweet nga kung ganun wahahahaha

odin hood said...

yas salamat!

at tumawid parati sa tamang tawarin hehehe

chase / chubz said...

hahah. ako rin. im bad at remembering dates. heheh.
pero i'm being alert na. nagagalit bf ko eh. hehehe.

nag uunahan kami mag txt pag dating ng aniv. hehe

congratz on d monthsary.

DN said...

"Dahil si red riding odin hood ay di madaling makalimot. Ang mga maliliit na pagkakamali tulad nito ay kaya ko palampasin at ipagsa-walang kibo. Ngunit di basta basta nalilimutan."

- wahahaha isang malaking chek rin 'yan sa akin! lol.

odin hood said...

@chase salamat! wag mo na kalimutan anniv nyo ha! hahaha


@dn hahaha syempre pagbibigyan muna kay quiet lang muna... tapos sa mga susunod na maulit ang offense, magsisimula na magtampo pero pagbibigyan pa rin. Hanggang one day galit na at di na pagbibigyan hehe