Sunday, May 4, 2008

Haiku (para sa di makatulog)





insomnia

totoo ba to?
tupa daw ang panlunas

hanggang ilan ba?




sipon

di mawawalay
mahal siguro kita
sige singhot pa





pinya

pinya'y matamis
kaya ang katas ko rin
at pagtatalik





ipokrita

hoy! tulog ka na!
bakit ba gising ka pa?!
'kaw ang matulog!







unan

yakap sa isip
kapag inamoy... teka
dapat labhan na!





umaga

araw sumikat
di pa rin makatulog
hala magtaklob




---

photo credit:

Sheep by ~xFakePlasticLovex on deviantART
PINEAPPLE MONKEYS? by ~Choco-Kun on deviantART
never touch it by ~vanny-villa on deviantART

18 comments:

MINK said...

napahagalpak ako dito:

unan

sa pagyakap isip ka
kapag inamoy
aba! dapat labhan na!


dagdagan ko:

Kulangot

binibilog parang bola
pero di tumatalbog
imbes, dumidikit

wahaha

odin hood said...

wahahahaha teka lang may isang malaking pagkakamali sa post ko na to!!!! wait lang ineedit ko pa! ahaha, at dadagdagan ko na rin ng pics para masaya


mink di pwede ang kulangot mo! (hahaha pun intended) kasi mali ang bilang ng syllables. sa haiku kasi dapat 5-7-5 ang bilang ng syllables(hahaha nagkamali rin ako 7-5-7 ang nagawa ko!!!)

MINK said...

may ganun pa ba yun???

wahaha...

basta natuwa ako dito sa post mo na ito

;)

odin hood said...

hahahaha salamat

"bilugin" pa natin kulangot mo...

---
kulangot

binilog-bilog
pero di tumatalbog
dumidikit lang


hahahahaha

Abou said...

kagabi ko pa binilang haiku mo na to kung tama nga ang sukat. he he.

Turismoboi said...

i love your haikus

. said...

Astig. Alam mo ba dude, hindi ako marunong gumawa ng haiku. Ehehe.

wanderingcommuter said...

hahaha...iilan lang talaga ang nakakagawa ng mga haiku. at napakainteresanteng haiku...
kailangan mo na nga sigurong labhan yang unan na yan.

Admin said...

nice naman... ang galing mag haiku!

odin hood said...

@abou haha tama naman bilang di ba? pasensya ka na ikaw nagawa ko dictionary kagabi hahaha


@turismoboi, salamat!!


@kuya joms, simple lang naman eh, 3 lines at dapat 5-7-5 ang sukat o bilang ng syllables.


@wanderer, haha bagong laba na si pip (ang unan ko) hahaha fresh na fresh na ulit siya!


@richard, haha salamat!

Anonymous said...

@Odin: Gusto ko mga haiku mo!Favorite ko yung unan at pinya.

Swak na swak yung sa unan... hehehe! Bakit kaya usually boys lang ang may unan na maamoy? Hurmmm...

Yung pinya, totoo ba yun? Hehehe... makainom din nga ng pinya-ple jus para maging sweet-sweet Lukayo... hahahaha!

Yoshke said...

i liked sipon and umaga. haha. kulet!

odin hood said...

@lukayo, salamat!! peyborit ko ung unan at sipon hahahaha

mabango na unan ko ngayon!bagong palit na kasi ung pillowcase at naarawan na yung foam. hehe

di ko alam kung totoo yun, kay agent boytoy ko lang natutunan yun eh haha pero mahilig naman talaga ako sa pinya-ple juice at kung anu-ano pang juice. refreshing eh

odin hood said...

@yoshke, hahaha tnx! like ko rin ung sipon haha

Dabo said...

i never tried haiku pa ren.. hmmn parang ang hirap.


you're one hell of talented guy! cheers!

odin hood said...

madali lang kaya haiku... tinuro lang samin yan nung grade school, grade 4 ata yun, kaya im sure marami ang may kaya gumawa ng haiku

PrincheCHA Fiona said...

Nice work Odin! :) winnur yung unan, ay lab et! :p

classic form ng haiku yung 5-7-5. pero may mga contemporary forms din na nde necessarily sumusunod sa ganitong sukat... :)

yung akin tinatawag kong "hainakus" at 7-5-7 ang sinusunod na syllables. Ahihihihihi :p

odin hood said...

@princhecha, actually dahil nagkamali ako nung una (7-5-7 ang nagawa ko at napost ko na) naisip ko na palitan na lang ang title at tawagin na lang hainaku, pero inedit ko at ginawang 5-7-5 at napansin na mas maganda pala ung 5-7-5 na ginawa ko kaya pinalitan ko ng 5-7-5 hehe