Friday, October 31, 2008

Dear Balahibong Pusa

Dear Balahibong Pusa,

Kamusta na? Ang tagal na natin hindi nagkikita. Kahit sa cyberspace di kita nakikita. Since we graduated back in 2004 eh wala na ako nabalitaan tungkol sayo maliban sa nung isang beses na nakita ka raw ng friend natin sa isang mall. Anu na ba nangyari sayo? Anu nang balita sayo? Anu na kaya hitsura mo ngayon? Marami pa ako gusto itanong sayo.

Alam mo ba hanggang ngayon kras na kras pa rin kita?! Madalas pa rin kita iniisip. Madalas pinapangarap ko sana makita kita ulit. Iba't-ibang eksena ang naglalaro palagi sa isip ko, na sana darating ang araw na mag-krus ulit tayo ng landas at sa pagkakataon na iyon ay sana di na ako sobrang nahihiya sayo at magkakaroon katuparan ang fantasy love story ko para sa atin dalawa.

Nanghihinayang ako na sa apat na taon na tayo ay naging magkaklase noong high school eh di ko nagawang mapalapit sayo. Masyado kasi ako nahihiya sayo noon kasi nga kras kita. Pero natutuwa pa rin ako dahil magaan ang loob mo sakin. Alam ko kasi tahimik ka at di masyado nakikisama sa buong klase. Sayang, kung di lang siguro ako nahihiya sayo at di kita iniiwasan eh baka mas naging close ako sayo.

Marami ako gusto sabihin sayo. Gusto ko sabihin sayo na kras kita. Pero alam mo na nga pala. Di ko pa rin makalimutan ang nangyari noon habang nagmimisa sa covered courts. Ang ingay ko kasi, pinalipat tuloy ako ni Maam ng upuan at napunta tuloy ako sa harap ng upuan mo. At habang tahimik na akong nakikinig ng misa ay bigla mo na lang hinila at itinihaya ang upuan ko na monobloc palapit sa iyo. Nagulat ako, di ko napansin na ikaw pala nasa likuran ko. Pero ang mas ikinagulat ko ay nang habang nakatihaya ang upuan ko ay bigla mo akong tanungin "may crush ka sakin no?" At wala na akong nasabi, kunwari dedma lang ako. Pero sa loob ko ang daming tanong ang gumugulo.

Nagbibiro ka lang ba nung sinabi mo yun? Paano mo naman nalaman na kras kita? Ganun ba ako ka-obvious? Bakit mo naitanong yun? Paano kung sinabi kong OO kras kita?


Lab,
odin

14 comments:

Anonymous said...

HAHAHAH

you're obvious! :P

Next time you see him, just say it and see how it goes! :)

Keep me posted!

~kinesics

Jinjiruks said...

hmm.. sayang ang chance odin.. sana nga magkita kau ulit.. wag mo na siyang pakawalan..

wanderingcommuter said...

dapat, BAKIT balanghibo pusa muna ang tanong... hahahaha!!!

tsktsk... obvious ka pala eh. patay! or feeling ko crush ka din niya... naku, false hope! hahahaha!

bai said...

dapat kasi sumagot ka ng OO
baka crush ka rin nya..
masaya na sana love story mo ngaun..
tsk tsk tsk...

lucas said...

sweet. pag nagkita kayo ulit, tanhungin mo if meant it. hehehe! tapos let it just hamg there.

high school love--kakamiss.

Jinjiruks said...

honga eh. dpat sinakyan mo na lang malay mo akalain niya totoo iyon.

Turismoboi said...

im sure magkikita pa uli kayo

odin hood said...

@kinesics, i think my other friends saw that i was keeping a pic of him on my phone tapos they told him about it nyahahahaha

@jinjiruks, sayang talaga... eh na-surprise ako sa tanong eh... natameme tuloy ako

@ewik, bakit?? hehe secret... sana talaga crush niya rin ako hahaha

@kasper, kaya nga siguro eh di ko pa rin makalimutan siya... til now ginugulo pa rin ako ng mga tanong na yun..

@ron, sana nga magkita kami ulit :)

@turismoboi, sana talaga :)

. said...

Malay mo, PLU na pala ngayon si Balahibong Pusa at magtagpo ang inyong landas balang araw. :)

Roland said...

akala ko si balahibong pusa at saling pusa ay iisa.... hahaha... usapang kurash dito... ndi ako maka-relate. :P

Jake said...

Gawd! Sentimental ka rin pala Odin!

Nag-flash tuloy sa isip ko yung single ni Sharon Cuneta (circa 1979)...Highschool Love...hahaha!

:)

Dabo said...

wow.. napakisentimental mo odin.. i lab it..


word verification: untaba

rheiboy17 said...

hehehe, odin, napangiti ako sa blog mo ah. the best talaga ang high school.

may part two pa ba ang love story na ito. hehe

odin hood said...

@kuya joms, haha sana nga plu siya :)

@roland, sino si saling pusa?

@jake, hehe senti pala ako

@dabo, syempre idol kita e :)

@rheiboy, sadly walang part 2. sana magkaroon pa hehe