Ang sarap tumakbo. Basta nakakatuwa kasi tumakbo, lalo na at pinagtitinginan ako ng mga tao kanina hehe. Di naman kasi jogging exercise ung ginawa ko kanina. Papunta lang ako ng bahay ng kaklase ko sa may ortigas para manghiram ng libro. Eh wala naman kasing tricycle sa ortigas at kukulangin pera ko kung mag taxi ako kaya no choice kung hindi gamitin ang sarili kong mga paa para makapunta ako sa condo ng kaibigan ko. Medyo nakakainip maglakad at medyo ayaw ko magsayang ng oras kaya tumakbo na lang ako. Nakakatuwa naman din kasi, sarap ng pakiramdam. Kaya kung may nakita kayong ulol na naka orange shirt at maong pants na tumatakbo sa may ortigas center ng bandang 9 pm kanina eh malamang ako yung nakita niyo hehe
Eh bakit ba kasi ako nagmamadali?
Kasi kelangan ko makumpleto yung thesis book ka by Wednesday morning, kahit substantial draft man lang kasi gusto ng adviser namin na magkaroon kami ng mock deliberations... at swerte naman na ako ang nabunot na unang magprepresent sa harap ng class. Kaya cramming time na naman to!
Noong August 13 hanggang 20 ay nawalan ako ng pasok due to a lot of different reasons. Halos isang linggo yun na walang pasok. Pero kahit isang oras sa isang linggong iyon ay di ako naglaan para gumawa ng thesis ko. Kaya ngayon eto todo cramming na naman ako. Gabing-gabi ay tumatakbo kung saan para lang manghiram ng libro hehehe
At ang yabang ko pa! May oras pa ako para magblog! hehehe 15mins lang naman ang nawala.
woosaah!
15 min. lang naman na break eh, pagbigyan na ako...
At kani-kanina lang bago ko sinimulan isulat ang post na ito ay napatakbo na naman ako. Kasi nagtext pinsan ko. Nandun siya sa may gate ng subdivision namin at kakababa lang ng tricycle. Isanglibo buo kasi yung pera niya kaya walang pangbayad sa tricycle kaya tumakbo ako papunta dun na may dalang barya. hehe
***
UPDATE: di naman natuloy yung presentation nung wednesday morning, di pa naman ako natulog at sobrang aga ko pa naman pumasok hehe. pero ok lang kasi di naman kumpleto yung presentation ko eh. nawalan kasi kami ng room, kaya baka next week na lang kami magpresent. woohoo!
19 comments:
ikaw pala ung tumatakbong un he he
ambilis mo naman mag post fifteen minutes lang
haha galing mo naman! nakita mo ako all the way from there. hehe
dapat mabilis lang syempre hehe nagmamadali nga eh
Langya! Kaw ba yung tumakbo sa gilid ng kalsada at muntik nang masagi ng kotse ko? Anak ng...gumamit ka naman ng sidewalk! Hehehe...
nasa sidewalk kaya ako! hehe
woah...cramming ka pala. ang galing ay may time ka pang magpost dito.ahehe! galing mo! haha! naaalala ko tuloy yung thesis days ko. grabe sobrang cramming talaga yan at sobrang nakakastress both physically and emotionally.hays. leader pako nun kaya lahat ng sisi sakin. pero natuwa naman ako sa results! kaya mo yan...
masarap talaga tumakbo kapag may humahabol sayo! hahaha!
hehe hay buti pa kayo group thesis, samin individual kaya nasa sakin talaga lahat ng sisi hehe
naging dyslexic na nga ako e, nagbabaligtad yung mga digits ko sa mga computations haaaay
buti hindi ka nadapa!
but sometimes, cramming is fun. mas gumagana brain ko pag nagk-cram ako..
dyahe nga eh, ayaw pa rin gumana ng utak ko! sobrang bagal ng progress ko... haaay im starting to get frustrated
Ikaw pala yung nakita ko sa Ortigas! :)
Pwede ka ring maglakad kapag pagod ka na tumakbo.
Ingat lang at baka madapa. Hehe.
naku, ganitong ganito ang mga ekssena nung gumagawa rin ako ng thesis. hahaha. ang malupit pa nun sa baguio ay walang patag na daan lahat either pataas, pababa at p;azig zag...
im happy for you dahil malapit ka ng matapos. btw, ano nga pala ang thesis mo?
hehehe...naka-orange ka at tumatakbo.. baka takas ka talaga..hehehe
--- --
masarap talagang tumakbo, tapos may humahabol sa iyo papuntang talahiban hahaha at ito yung crush mo
ahhhh ikaw pala yung nakita ko.... pero bakit may pulis sa likod??? hahaha.
@keitaro, syempre naglakad rin naman ako pag napapagod hehe
@kuya joms, di naman ako nadapa hehe
@ewik, green museum po thesis ko.
@dabo, LOL sa beach na lang para mas romantic hahaha
@roland, hehe bodyguard ko lang yun
odin! i missed you. i just got back from the island.
hehehe. ok yan ah, tumatakbo sa ortigas, not a scene you see often. iniimagine ko na yung mga taong nakakita sayo.
di bale, ganda exercise yan, pampalakas ng cardiovascular endurance.
Hehe, hiningal ako :(
@archiemd, namiss din kita!!! cant wait to read your next post!
@rheiboy, hehe nginingitian ko na nga lang sila eh, lalo yung mga pulis baka isipin snatcher ako LOL
@dazedblue, hehe tumakbo ka rin ba?!
goodluck sa thesis! what's your topic? sinong adviser mo? hehehe. kakamiss. i used to sit in as a juror on the pre-defense judging in december, that is, when i was home. kaya lang, they don't have that anymore do they?
Post a Comment