Minsan nakalimutan ko huminga. Oo, maaaring mangyari iyon!
Nang minsan nakalimutan ko huminga nagising ako sa ibang kamunduhan. Hindi ko nakinita ang laki ng distansya na aking nilalangoy o ang bigat sa katawan na dulot ng tubig. Inakala ko sapat na ang walang tigil na pagpalo at pagpadyak. Inakala ko na kaya kong tiisin na hindi huminga. Ngunit ako ay nagkamali. Nakalimutan ko huminga.
Nang minsan nakalimutan ko huminga ay huminto ang oras. Tumatakbo ang orasan ngunit hindi ako umuusad mula sa aking kasalukuyan. Nauubos ang lakas at hininga ngunit wala pa ring pag-usad. Napapagod ang katawan ngunit wala pa ring pag-usad. Ang mundo ay huminto at ako ay naligaw sa oras.
Nang minsan nakalimutan ko huminga ako ay nawindang. Isa pala itong malaking pagkakamali na nagpabago ng aking hinaharap. Niligaw ako mula sa tinatahak na direksyon at tila na blanko ang utak sa pagkagitla.

Minsan nakalimutan ko huminga. Oo, maaaring mangyari iyon.

8 comments:
baka naman sinadya mong kalimutan na di huminga... talent yan! fabuloush!
weird
Take things slow. Yun lang.
Freaky naman. 'Yun lang.
kung kelangan mo ng may paghihingahan o kaya nalimutan mo huminga, handa ka namin iCPR. hehehe€!
parang emo post ah. hindi ko magets nyahahaha!
hehehe. di ko rin masyado gets.
ummm.. bawas-bawasan ang mga iniisip siguro para di makalimutang huminga. kaw naman ata ang emo mode ngayon. :D
@chyng, hehe
@turismoboi, eh basta hahaha
@mugen, anu ba iniisip mo na tungkol san to??
@jake, hehe
@ewik, hahahaha
@karakrus, eh nashy ako sabihin yung nangyari eh, that's more or less how i felt about it.
@dn, di naman ako emo ngayon....medyo matagal ko na kasi dapat pinost to, more than 1 month ago.
Post a Comment